WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Seksing balibolista iritado sa ‘dalaw’

KAKAIBA ang diskarte ng napakaseksing volleyball player kapag dumadating ang panahon na “red flag is up.”

Hassle daw kasi minsan na kapag naitakda sa matindi nilang laban na kailangan niya ang tulong ng “with wings” pero hindi siya makalipad nang husto sa paglalalaro dahil kinakailangan niyang lingon nang lingon.

Kaya naman nakahanap ng diskarte ang super sexy na volley star na nakapagbigay dito ng matinding kumpiyansa kahit mainitan ang labanan at kahit ilang beses siyang magtatalon at humampas ng maraming beses sa bola.

Masikip na nga naman ang kanyang suot na uniform na minsan ay pinapatungan pa nito ng mahigpit na cycling short na lubhang umiipit sa malapad na sanitary napkin na nagpapairita sa kanya sa paglalaro.

Mas pinipili na lamang ng exotic beauty volley star na gumamit ng “tampon” na sa pakiramdam nito ay mas madali na gamitin at hindi na nito kailangan pa idikit sa tuwing dumadating ang kanyang buwanang dalaw.

Eh teka, paano nga ba ginagamit ang tampon, inosenteng tanong ng isang nakadinig sa usapan. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on