Mariing itinanggi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sinasanay niya ang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos para maging presidente ng Pilipinas balang araw.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Malacañang nitong Lunes, sinabi nito na hahayaan nilang magdesisyon ang kanyang anak kung ano ang plano nito sa politika.
“Sandro? No. He is not being… we’re not grooming him for anything. He is grooming himself. He is… he has decided on this career in politics and he will handle it the way he does. There is not some long-range plan that one day Sandro is going to be president. He will laugh – actually he will laugh in your face if you tell him that. But no, there is no…” anang pangulo.
Masyado pa aniyang maaga para pag-usapan ang planong mag-presidente ng kanyang anak, dahil marami itong trabaho sa Ilocos Norte kaya walang dahilan para paghandaan o pagplanuhan ang mas mataas na puwesto para sa kanyang anak.
Kaya aniya palaging kasama si Sandro sa kanyang mga biyahe sa abroad ay dahil isa ito sa mga author ng Maharlika Fund bill at mas may naisasagot siya kapag natatanong tungkol sa isyu. (Aileen Taliping)