WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Miyembro ng Tau Gamma Phi, hinataw sa ulo tegi

PATAY

Natagpuang walang buhay ang isang miyembro ng fraternity na pinagpapalo sa ulo hanggang sa mamatay ito sa loob ng subsivision sa Antipolo City nitong Lunes.

Sa report ng Antipolo City Police, mga sugat sa ulo sanhi ng palo ng matigas na bagay ang ikinasawi ng biktimang si Enrico Cruz, alyas Nightmare,29 anyos at miyembro ng Tau Gamma Phi (TGP) fraternity,

Nadiskubre ang bangkay nito sa isang madilim na damuhan sa Steel Homes, Sitio Saguipin Barangay San Luis, Antipolo City Lunes ng gabi.

Ayon sa kaanak nito, nagpaalam ang biktima na makikipagkita sa kanyang mga ka-brod sa isang coffee shop.

Ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa labas ng guardhouse ng subdivision at saka naglakad papasok sa lugar.

Wala ring nawala sa mga gamit nito maliban sa kanyang cellphone na pinaniniwalaang tinangay ng gumawa sa krimen.

Lumalabas umano sa imbestigasyon na plano umano ng biktima na magtayo ng bagong chapter ng kanilang fraternity.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang motibo at utak sa krimen.(Ronilo Dagos, Catherine Reyes)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on