WebClick Tracer

Wednesday, March 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Maynilad pinagmulta sa palyadong suplay

Pinagmumulta ang Maynilad Water Services Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan ng P27.48 milyon dahil muli itong nabigo sa pagbibigay ng 24/7 suplay ng tubig sa mga customers nito na sa Putatan Treatment Plant kinukuha ang suplay ng tubig.

Sabi ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System Regulatory Office, December 2022 hanggang January 2023 hirap sa tubig ang mga customers ng Maynilad sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at ilang lugar sa Cavite.

Binanggit ni MWSSRO Officer-in-Charge Lee Robert Britanico, kinukuwenta pa kung magkano ang rebate na makukuha ng mga customer dahil depende ito sa lala ng kanilang naranasan. Aniya, kinilala naman ng Maynilad ang kasalanan nito lalo na’t holiday noon at madaming mga nasa bahay kaya ito nag-alok na magbayad ng P18 mil­yong multa. Sa pagkakuwenta naman ng MWSS-RO, hindi ito sapat lalo na’t pa­ngatlong beses na itong pinagmumulta dahil sa problema sa Putatan Treatment Plant.

“Ang computation na ito is telling, is actually asking Maynilad na we have penalized you before and we are penalizing them again,” sabi ni Britanico. “We will be forced to, ‘yon nga, mas magiging malaki na ang rebate if ever maulit ito. Hindi pwedeng hindi nila ma-address dahil bibigyan namin sila ng mga malaking penalty.”

Sabi ni Britanico, one-time, big-time ang magiging rebate sa mga apektadong customer at maaaring maging mas malaki pa sa buwanang bill nila ito, depende sa konsumo.

Sa Pebrero ipatutupad ang rebate o refund sa customers na kasalukuyan pang kinukwenta ng MWSS-RO. Halimbawa, kung ang rebate ay P250 at ang buwanang bill ng customer ay P200 lamang, wala siyang babayaran sa Pebrero at may P50 pa siya na credit na iaawas sa bill na darating na Marso.

Nangako naman ang Maynilad na babayaran ang multang pinataw ng MWSS-RO. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on