WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Janine bumirit ng ‘Jopay’, Iloilo nabulabog

Feeling concert queen pala si Janine Gutierrez sa show ng “Dirty Linen” cast sa Iloilo. Nakakabinging sigawan kasi ang binigay sa kanya ng mga fan nang kantahin niya ang “Jopay.”

Punong-puno ng mga fan ang Iloilo Business Park para masilayan nga sina Janine, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin. Kasama rin ang Idol PH finalist na si Kice na siyang kumanta ng theme song ng serye. Nakisaya ang cast sa mga taga-Iloilo para sa selebrasyon ng Dinagyang Festival noong Linggo (Enero 22).

Nag-upload nga sa Instagram ng video ng song number ni Janine si @jccantosmakeup, at nakakabingi nga ang pagkalakas-lakas na hiyawan sa simula pa lang ng intro ng kanta. At sa chorus ay lalong hindi na marinig ang boses ng aktres dahil sa pagsabay ng audience.

“Grabe ang saya. Thank you, guys. Iba ang energy ng Iloilo,” sey ni Janine.

Sabi nga mga fan sa Iloilo:

“Enjoy na enjoy ang mga taga-Iloilo lalo na nung kinanta mo ang Jopay. Ang galing mo,” tweet ni @ItsmeMadel21.

“Grabe ka Jopay este Janine hahaha nakakaiyak yung saya ng mga tao nung sumabay na sila kumanta,” chika naman ni @angeles12_dj.

Dinagsa rin ng mga fan ang show ng “Dirty Linen” cast sa Southwoods Mall sa Biñan Laguna noong Sabado. (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on