WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Inabandona ng pamilya? Sunshine Guimary todo hagulgol sa premiere night

Ang ganda-ganda ni Sunshine Guimary na dumating sa premiere night ng ‘Hello Universe’ na kung saan ay leading lady nga siya ni Janno Gibbs, at dinirek ni Xian Lim.

Para nga siyang Miss Universe, nan aka-red gown, at bonggang-bongga ang slit, na super taas, at halos masilip na ang lahat-lahat.

Sabi ni Sunshine, sobrang happy siya na sa wakas ay mapapanood na ng mga bata ang pelikula niya, dahil ang mga nauna raw niyang movie ay sa Vivamax pinalabas, at hindi nga pambata, dahil sa kaseksihan.

“Pero, may missing part pa rin,” sabi ni Sunsine.

“Wala kasi ang pamilya ko,” dugtong niya.

Nasa Surigao nga raw ang pamilya ni Sunshine, at sinabihan nga niya na magpunta ang mga ito, para mas masaya.

“Alam nila, pero ewan ko kung bakit wala sila. Hindi ko alam kung bakit!

“Sila kasi, ayaw talaga nila na mag-artista ako. Gusto nila akong huminto. Eh ito ang gusto ko, kaya ganun,” sabi ni Sunshine na maluha-luha.

Pamilya nga raw sila ng mga negosyante, at mas gusto nga raw na magnegosyo siya, at huwag magpa-sexy sa harap ng kamera.

“Eh, bihira lang kasi ang ganitong opportunity. Nakakalungkot lang, kasi hindi ko nararamdaman ang support nila. Like ngayon, wala sila. Tapos gusto nila akong huminto nga.

“Ayokong umiyak. Nasisira ang make up ko,” sabi ni Sunshine na bigla ngang tumulo ang mga luha.

“Sana sila ang maging pakpak ko. Gusto kong lumipad na kasama sila, pero ayaw nila, wala sila.

“Sorry ha…” sabi ni Sunshine na ayaw na ngang paawat sa pag-iyak.

Kung may masaya man daw ngayon, bukod sa career niya, ‘yun ay ang lovelife niya.

“Siya ang nagpapasaya sa akin. Lahat ng suporta na kailangan ko, siya ang nagpuno. Wala man ang pamilya ko, siya naman ang nagsilbing pamilya ko dito.

“Nag-expect ako ng congratulations sa family ko, wala akong na-receive.

“Hindi naman nila ako tinakwil. Malaki naman ang naitulong ko sa pamilya ko, pero walang bumalik na ano man, kahit concern man lang.

“Kahit maliit lang na text sana, na you made it, congrats, ganun lang okey na sana. Kaso wala talaga.”

Ano ba ang inaayawan ng pamilya niya sa pag-aartista niya?

“Kasi religious sila, at ayaw nila na nagpapaseksi ako. Pero sabi ko naman, wholesome naman itong Hello Universe, kaya sana suportahan nila ako.

“Actually, bata pa lang ako, ramdam ko na iba ang pagtingin nila sa akin. Sa mga activity sa school, wala rin sila. Nagtataka nga ako. Bakit wala? Ginawa ko naman lahat, eh,” sabi ni Sunshine.

Paano ka naman pinapasaya ng boyfriend mo?

“Masaya ako sa kanya. Palagi siyang nandiyan sa akin. Sabi ko nga, kung ano ang pagkukulang ng pamilya ko, siya ang nagpupuno,” sabi na lang ni Sunshine.

Well, ang alam ko ay negosyante ang boyfriend ni Sunshine ngayon. At madalas naman niyang pinu-post sa kanyang Instagram ang boyfriend niya, na sabi nga, bukod sa guwapo na, mabait, maunawain pa kay Sunshine.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on