WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Harana pa more Julie Anne naiyak sa lambing ni Rayver

Ayaw matapos ang pagpapakilig ng magdyowang Julie Anne San Jose, Rayver Cruz na palagi ay idinadaan sa kanta ang pagpapalitan ng pagmamahal sa isa’t isa.

Hindi na nga kinaya ni Julie ang lambing ni Rayver, kaya naiyak ito sa sobrang saya sa pagharana sa kanya ng aktor.

Mapapanood sa Instagram ni Rayver ang tinawag niyang “late night routine”, kung saan ibinahagi niya ang video na kinakantahan niya si Julie.

Pinakita ni Ravyer sa mga netizen ang video call niya kay Julie na noon ay nasa kama na at matutulog.

Punung-puno ng lambing ang palitan ng mensahe dalawa. Lalo na si Julie na nasa himig ng “bedroom voice” ang mga sinasabi nitong “Okey, I’m proud of you.”

Nasa piano naman si Rayver para tugtugan, awitan si Julie ng kantang “Right Here Waiting” na puno ng damdamin.

Matapos ang kanta, napa-“Oh my god” ng dalawang beses si Julie, na sinundan pa ng “You’re amazing” sa sobrang bilib nito sa husay ni Rayver.

Tuwang-tuwa naman si Rayver sa kanyang version dahil naitawid nitong “flawless” ang kanyang kanta.

Hindi pa nagkasya si Julie ay pinuri pa niya si Rayver, sabay sabing “naiyak” siya sa kanta nito.

“I’m so proud of you naiyak ako you’re the best,” sey ni Julie.

Tugon naman ni Rayver, “Dahil sa’yo lahat yan proud of you super huhu mwah mwah.”

Janella proud nanay kay Jude

Proud Mommy si Janella Salvador dahil kabilang na sa ad campaign ng “H&M” para sa kids collection ang anak nila ni Markus na si Jude.

Niyabang ni Janella ang larawan ng standee ng anak na suot ang t-shirt ng naturang produkto.

“Proud momma moment. My little star,” sabi ni Janella.

Kabilang din sa mga image model ng naturang brand ang mga anak nina Melai Cantiveros, Jason Francisco, pati na baby ni Sofia Andres.

Derek pinangalan kina Ellen, Elias, Austin mga luxury car

Multi-million ang pagmamahal ni Derek Ramsay sa only child niyang si Austin, siyempre pati sa misis niyang si Ellen Adarna, at stepson na si Elias.

Pinangalan ni Derek sa tatlong nabanggit ang mga mamahalin niyang sports car.

Makikita ang video sa Instagram ni Derek na nagpapakita sa mga imported car at may mga pangalan nina Austin, Elias, Maria.

“Austin, Elias and Maria. #porsche964turbo #porsche993turbo #918spyder,” sabi ni Derek.

Anyway, bukod sa mga nabanggit, ang alam ko ay may Rolls Royce collection din si Derek.

Siyanga pala, we stand corrected, Porsche pala ang bagong sasakyan ni Derek at hindi Ferrari gaya sa una naming naisulat.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on