WebClick Tracer

Wednesday, March 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Diokno gigisahin sa Maharlika fund

Magsasagawa ng briefing ang mga economic manager ng gobyerno sa mga senador kaugnay ng ipinanukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, layunin ng pagpupulong na nakatakda sa Enero 30 na alamin ang talagang target na makuha ng executive branch sa pinapanukalang pondo.

“We have schedule meeting with economic managers on January 30. We will scrutinize, see to it this is needed, protected and ma-address ang target na objecives ng panukala,” sabi ni Villanueva sa panayam ng mga reporter matapos mai-refer sa Senate committee on banks ang bersyon ng Senado ng MIF bill na inihain ni Senador Mark Villar.

Kabilang sa mga economic manager ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sina Finance Secretary Benjamin Diokno, NEDA Director-General Arsenio Balisacan at BSP Governor Felipe Medalla. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on