Isang 6.0 magnitude nalindol ang tumama sa Davao Occcidental kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa report ng ahensya, tectonic o paggalaw ng lupa sa ilalim ang pinagmulan ng lindol na naitaka ganap na alas 10:13 ng umaga.
May lalim itong 10 kilometro at nakasentro sa bayan ng Balut Island, Sarangani. Bagamay may kalakasan ang lindol, wala namang naitalang pinsala sa paligid ng lugar.
Samantala, isang magnitude 5.2 na pagyanig ang unang naitala ganap na alas 2:17 ng umaga sa Balut Island, Saranggani.
Isa anila itong aftershock sa naitalang magnitude 7.0 noong Enero 18 sa Davao Occidental. (Tina Mendoza)