WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Barangay chairman itinumba sa harap ng kanyang tindahan

Agad na namatay ang isang 46 – anyos na barangay captain nang ilang ulit itong barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang nasa harap ng kaniyang tindahan sa Lupao, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni acting Nueva Ecija police director PCol. Richard Caballero, nangyari ang pagpatay sa biktimang si Reginald Rampas Espiritu, tserman ng Barangay San Isidro sa nasabing bayan bandang alas 5:50 ng umaga.
Kalalabas lang umano ng biktima nang lapitan ito ng mga naka-jacket na suspek at pinagbabaril ito sa harap ng kanyang tindahan.

Nang bumulagta ang biktima, agad din umanong tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Isinugod si Espiritu sa Heart of Jesus Hospital sa San Jose City pero idineklara itong dead on arrival. (Jojo de Guzman)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on