WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Ayala-Alabang galugarin sa droga: Posibleng supplier sa Bilibid – BuCor OIC Catapang

Malaki ang paniniwala ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr. na nasa katabing Ayala-Alabang Village ang nagsu-supply ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ito ni Catapang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuwag ang sindikato ng ilegal na droga sa Bilibid.

“Hindi pa nabubuwag ang sindikato diyan, talagang napakalalim ng sindikato diyan,” paglalahad ng opisyal sa interview ni Kabayan Noli de Castro sa TeleRadyo nitong Martes.

Aniya, dati nang nabisto ang shabu factory sa loob ng exclusive village kaya hindi imposibleng may nakatagong pabrika ng ilegal na droga rito.

Dahil dito ay makikipag-ugnayan siya sa asosasyon ng village upang suyurin ang kanilang lugar sa posibleng gumagawa ng ilegal na droga.

“‘Yong Ayala-Alabang concerned ako ngayon kailangan kong makipag-ugnayan doon sa asosasyon doon na pakisigurado po ninyo na 5,000 na bahay diyan, malaki po ‘yong Ayala-Alabang eh, siguruduhin natin na lahat ng nakatira diyan eh hindi gumagawa ng illegal activities,” wika ni Catapang.

“Baka sila ang nagsu-supply kung bakit hindi mahinto pagpasok ng drugs,” sambit pa ng opisyal.

Ang Ayala-Alabang ay pinamamahayan ng mga mayayaman sa bansa, kabilang ang ilang senador, kongresista, opisyal ng gobyerno, mga negosyante at mga bigating indibiduwal. Dito rin dati napadpad ang ilang Philippine Offshore Gaming Operator noong kalakasan pa nito.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on