WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Aso tila malditang toy sa mall

Kinaaliwan ng mga netizen ang post ng isang Facebook page na Baby Ginger Blog kung saan makikita ang isang aso na tila nagmamaldita habang nakapwesto sa lagayan ng mga stuffed toys.

Makikita sa larawan ang mukha ng furbaby na tila naiinip at naiinis.

Kakulay pa ng furbaby na si Ginger ang mga stuffed toy kaya naman kung hindi mo alam na siya ay isang pet, aakalain mo talagang stuffed toy siya. Cute na cute pang nakabihis ang aso at nakatali pa ang mga buhok nito.

Umani ng mga nakakaaliw na komento ang nasabing litrato mula sa mga netizens.

“Kita ka namin…wag ka mag tago sa mga inaanak mo,” saad ng isang FB user.

“Wow ganda naman ng Baby Ginger namin kahit suplada ang mukha”, komento ng isang follower ng page.

“OMG talagang stuff toy ang dating mo Baby cuteness overload. Happy new year”

“Buhay na buhay yang stuffed toy na yan… Yan ang malditang mabait….”

“Prang ayaw nmn mgpabili ng stuff toy na yan. Kasungit e.. Happy new year bebe”

“wow sinimulan n nga nya ang kamalditahan..”

“eto ung stuffed toy na mapanaket khit wlang ginagawa ”

Umabot na sa halos 1k reactions ang post ng nasabing page. (MJ Osinsao)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on