WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Platoon leader ng NPA sumurender

Sumuko sa mga awtoridad ang isang dating pinuno ng rebeldeng New Peoples Army sa Quezon.

Ayon sa report ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) sumuko sa headquarters ng Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa Camp Soledad L. Dolor, Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon ang dating rebelde na si Domingo Mercado alyas Rodney.

Si Mercado ay dating platoon leader ng grupong Apolonio Mendoza Command ng CPP-NPA na nakabase sa Quezon at Laguna. Isinuko rin niya ang isang carbine, 357 revolver, mga bala at mga subersibong dokumento.

Naengganyo umano itong sumuko nang mabigo siyang makakuha ng pinansyal na suporta mula sa Underground Mass Organization Communist Terrorist Group (UGMO CTG) para sa kanyang pagpapa-opera.(Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on