WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Maangas na Kano nanapak ng traffic enforcer kalaboso

Swak sa kulungan ang isang Amerkano nang ombangin nito ang isang traffic enforcer na sumita sa kanyang paglabag sa trapiko sa Kawit, Cavite nitong Linggo ng hapon.

Maangas pa umano ang suspek na si Kenneth Francis Black Jr, nasa hustong gulang, nang sitahin siya ng biktimang si Michael Solania Trajico dahil sa paglabag sa batas=trapiko.

Sa ulat, nagmamando ng trapiko ang biktima sa kanto ng Zeus st. sa Barangay Kaunlaran, Kawit, Cavite nang makita niya ang paglabag ng suspek bandang alas-singko ng hapon.

Pinara ng biktima ang suspek para tiketan pero sinigawan at minura umano siya nito.

Tinangka pa rin ng biktima na pakalmahin ang suspek pero sinutok siya nito sa mukha dahlian upang arestuhin nila ito at i-turn over sa pulisya. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on