WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Dugo sa panaginip

Ano po ang ibig sabihin kapag may panaginip na nakakita ng dugo o dinugo ka? Bale kasi sa panaginip ko po e nakapantalon daw ako hindi ko alam kung natagusan ako o napaupo lang ako sa madumi. Pero ang sabi raw po ng babaeng katabi ko na parang kakilala ko naman, hindi ko lang matandaan, basta ang sabi niya e may dugo daw sa likod ng pantalon ko.

Glidel

Sinisimbolo ng dugo ang kasiglahan, indikasyon din ang panaginip na ito ng kasaganahan at pagkakaroon ng swerteng sitwasyon o kaya naman ay parating na biyaya.

Gayunman, mag-iiba pa rin ang kahulugan ng iyong panaginip depende sa sitwasyon.

Kung babae ang nagkaroon ng panaginip na ito, maaaring ito ay dahil nakakaranas siya ng menstruation o kaya naman ay buntis. Pero sa kabilang banda, kung lalaki naman ang nagkaroon ng panaginip na ito, sinasabi nito na takot siya sa katawan ng babae o kaya naman ay sa sex.

Kapag naman may nakita ka na umaagos na dugo, maaari itong mangahulugan na dumadaan ka sa matinding tensyon ngayon.

Maaari rin naman itong mangahulugan na masyado ka nang stress. Sina-suggest nito na kailangan mong magpahinga para makapag-adjust ka sa mga nagaganap sa iyong buhay.

Meron ding chance na makakaranas ka ng sakit na tulad ng isang broken hearted. Kung single ka naman at hinihinala mo na naupuan mo lang ang dugo sa pantalon mo, sinasabi na makakahanap ka ng bagong partner.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on