WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Bangkay ng nene lumuwa sa ilog

Natagpuang lumulutang ang bangkay ng isang pitong-taong gulang na batang babae sa Kabacan, Cotobato noong Linggo.

Nakita ang namamagang katawan ng biktimang si ‘Araida’ malapit sa lugar kung saan ito nalunod.

Sa ulat, huling nakita ang biktima na kasama ng kanyang mga pinsan habang naliligo sa ilog ng Kabacan noong Huwebes.

Nakasama sa paliligo ang biktima habang nagsasaka umano ang mga magulang nito.

Ayon sa mga pinsan nito, magkakasama sila sa ilog nang mapansin nilang wala ang biktima.

Hinanap nila ito sa tulong ng mga residente pero bigo silang makita ito.

Agad itong nilibing alinsunod sa tradisyong Islam. (Catherine Reyes)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on