WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Ayaw makipagbalikan kay mister, esmi tsinugi

Dahil sa pagtanggi niyang makipagbalikan, todas ang isang misis matapos itong pagsasaksakin ng kanyang mister nitong Linggo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tiagan, San Emilio, Ilocos Sur.

Binawian ng buhay habang dinadala sa ospital ang biktimang si Nora Ricardo Agusen, 66 anyos dahil sa tinamong mga saksak sa katawan habang naaresto naman ang asawa nitong Alfredo Agusen, kapwa mga residente ng nasabing barangay.

Ayon kay San Emilio Police Station (SEPS) officer P/Capt. Joseph Bantullay, matagal ng hiwalay ang mag-asawa pero gustong makipagbalikan ng suspek.

Sa katunayan ay tumulong na ang kanilang barangay sa problema nilang mag=asawa pero matigas ang biktima at tutol na magsama silang muli.

Nitong Linggo, nakainom ang suspek nang puntahan niya ang biktima at kinompronta ito sa kanyang pagmamatigas.

Nagtalo ang dalawa hanggang bumunot ang suspek ng patalim at pinagsasaksak ang biktima sa katawan.

Kakasuhan ng parricide ang suspek.(Allan Bergonia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on