AbanTV – Showbiz | PADALANG FOOD NI SARAH G TINATAPON LANG NG MAGULANG?
@abantenews PADALANG FOOD NI SARAH G TINATAPON LANG NG MAGULANG?#AbanteTeletabloid #AbanteNews #EntertainmentNewsPH #SarahGeronimo #MommyDivine #CristyFermin ♬ original sound – Abante
Abante Front Page | Balita ngayong January 24, 2023

Ginahasa, binuntis, pinatay ng 17-anyos: Pinay DH ‘nilitson’ sa Kuwait

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 35-anyos na Filipina domestic helper sa Kuwait matapos itong gahasain, buntisin, patayin, sunugin at itapon ang bangkay sa disyerto ng isang 17-anyos na Kuwaiti national.
CAAP balasahin – Gatchalian

Para kay Senador Sherwin Gatchalian, dapat balasahin at pagbitiwin na sa kanilang puwesto ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil dalawang magkasunod na new year celebration nagkaaberya sa Ninoy Aquino International Airport.
146M SIM ‘di pa nakarehistro

Kinalampag ni Senadora Grace Poe ang mga telecommunication company na paigtingin ang kampanya sa pagpaparehistro ng SIM dahil higit sa 146 milyon pa ang kailangang irehistro, limang buwan mula ngayon.
Dagdag interes kinatuwa ng mga credit card firm

Ikinatuwa ng mga credit card company ang desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na itaas sa 3% ang interes sa credit card.
Gasolina tataas ng 2.80; diesel, 2.25

Muling magtataas ang presyo ng gasolina sa P2.80 kada litro, habang P2.25 naman sa diesel.
Bantag babu na, Catapang BuCor chief

Wala nang babalikang puwesto si suspended BuCor chief Gerald Bantag dahil itatalaga nang permanenteng director general ng ahensiya si Gregorio Catapang Jr., ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Galvez pinalulusaw fixed term sa AFP

Suportado ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. ang panukala para susugan ang batas sa fixed term sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maging “flexible” ang termino ng mga opisyal.
Comelec: BSKE registration hanggang Jan 31 lang

Nanindigan ang Commission on Elections na hanggang Enero 31 na lamang ang pagpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections at hindi na sila magbibigay ng extension.