WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante KARTADA

Bilyonaryo sinuba bigating negosyante

kartada

Sino raw itong bilyonaryo ang hinahabol ng isang negosyante ngayon matapos na hindi ibalik ang P500 milyong downpayment sa isang property?

Ayon sa natisod ni Mang Teban, pumayag daw ang bil­yonaryo na ibenta ang kanyang pro­perty sa kilalang financial district sa Metro Manila sa halagang P1.5 bilyon.

Upang makasiguro sa property, nagbigay daw ng downpayment ang negosyante sa halagang P500 milyon o halos 1/3 ng kabuuang pres­yo ng ari-arian.

Pero noong ibibigay na ng negosyante ang P1 bilyon na kapupunan, umatras daw sa deal ang bilyonaryo.

Kahit nabigla, hiniling na lang ng negosyante na ibalik ang P500 milyong downpayment nito sa bilyonaryo pero maging ito ay hindi niya makuha.

Ang masaklap, nalaman ng negosyante na kaya umatras sa deal ang bilyonaryo ay dahil nakahanap ito ng buyer na nag-alok ng mas mataas na presyo. Binili raw ang property ng bilyonaryo sa halagang P1.7 bilyon o mas mataas ng P200 milyon kaysa sa offer ng negosyante.

Tanggap na raw ng negos­yante na hindi mapupunta sa kanya ang property pero ang ikinasasama ng loob nito ay hindi pa rin binabalik ng bilyonaryo ang kalahating bilyong pisong downpayment.

Malamang na nagastos na ng bilyonaryo ang kalahating bilyong piso dahil kilalang grabe kung ‘magsunog’ ng pera ang asawa nito sa pagbili ng mga mamahaling bag, sapatos, damit at mga alahas.

Mahina na rin ang kita ng bilyonaryo pero larga pa rin sa maluhong lifestyle.

Clue. Ang bilyonaryo ay dating babaero at sugarol pero nagbago nang muntik hiwalayan ng asawa.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on