Abante Front Page | Balita ngayong January 23, 2023

Higit 3K pasahero apektado: NAIA biyahe pila-balde sa aberya

Naantala ng higit dalawang oras ang biyahe ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo ng madaling araw dahil sa isinagawang maintenance umano sa uninterruptible power supply ng air traffic system.
Bilyonaryo sinuba bigating negosyante

Hinahabol ngayon ng isang bigating negosyante ang kilalang bilyonaryo matapos na hindi nito isoli ang kalahating bilyong pisong downpayment sa nakanselang bentahan ng property sa financial district sa Metro Manila.
POGO hahatulan ng mga senador

Ilalabas na ng Senado ang committee report na naglalaman ng desisyon ng mga senador sa operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa bansa.
Centino permanenteng pantapal sa AFP sigalot

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang pag-aalburuto sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nitong ibalik bilang chief of staff si Gen. Andres Centino.
P3B fuel subsidy kasado sa mga tsuper

May nakalaan na P3 bilyon sa 2023 national budget para sa fuel subsidy ng mga jeepney driver at iba pang tsuper ng mga pampublikong sasakyan.
Tulfo pinakaaktibo sa Senado

Umabot sa 50 committee hearing ang dinaluhan ni Senador Raffy Tulfo mula Hulyo hanggang Disyembre 2022, kaya maituturing na siya ang pinakaaktibo na miyembro ng Senado.
Marcos umapela ng tulong para sa mga pobre

Sa selebrasyon ng Chinese New Year, nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga mayayaman na tulungan ang mga mahihirap na Pilipino sa bansa.
Pilipinas swak Sa ‘VIP Club’ ng Asya: Tigasin ang ekonomiya – PBBM

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kabilang na ang Pilipinas sa ‘VIP Club’ o grupo ng mga bansang may magandang ekonomiya sa Asya.
2 Ateneo student kampeon sa international debate

Dalawang estudyante ng Ateneo De Manila University ang nagwagi sa World Universities Debating Championship na ginanap sa Bali, Indonesia.