WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Barangay kagawad todas, kapatid sugatan sa ambus

Patay ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang kapatid nito matapos na barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek noong Miyerkules sa Milagros, Masbate.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jecon Doctolero, 43 anyos at kapatid nitong si Jerry, 38 anyos, kapwa residente ng Barangay Tawad ng nasabing bayan.

Ayon kay Bicol PNP spokesperson Police Lt. Col. Ma. Luisa Calubaquib, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Barangay Capaculan habang pauwi ang mga biktima lulan ng motorsiklo bandang alas 3;20 ng tanghali.

Hinarang umano ng dalawang armadong suspek ang magkapatid, pinagbabaril ang mga ito at saka tumakas.

Isinugod ang mga biktima sa De Castro Hospital Foundation Inc. pero nasawi rin ang nakatatandang Doctolero dahil sa mga tama ng bala habang patuloy na inoobserbahan ang kapatid nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa motibo at pagdakip sa mga suspek.(Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on