Immigration exec tumiba sa human trafficking

Isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros na pinalulusot ng Bureau of Immigration personnel sa Clark International Airport ang mga Pinoy worker na ginagawang scammer sa Cambodia, sa halagang P70,000 hanggang P100,000 bawat isa.
Mga e-vehicle nilibre sa buwis

Upang maengganyo ang publiko na gumamit ng sasakyan na walang polusyon, tinanggal ni Pangulong Bongbong Marcos ang buwis sa mga electronic vehicle gayundin sa mga spare parts nito.
Dagdag kita ng SBMA itinulak

Lalakas daw ang kita ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa ilalim ng panukalang batas na inihain sa Kamara.
Dating aide ni Enrile binutasan inamag na pork barrel case

Ginamit ng dating chief of staff ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mabagal na pag-usad ng kanyang plunder case kaugnay ng pork barrel scam para mapagbigyan ng Supreme Court (SC) ang isinampang habeas corpus para sa pansamantalang paglaya nito.
Gatchalian: Hirap magbasa protektahan sa bullying

Sabi ni Senador Sherwin Gatchalian, dapat masugpo ang bullying sa mga eskuwelahan lalo pa’t lumabas sa isang pag-aaral na ang mga estudyanteng hirap magbasa ang kalimitang kinukutya sa eskuwelahan.
Marcos tagumpay misyon sa World Economic forum

Ibinida ni Finance Secretary Benjamin Diokno na naging matagumpay ang misyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Teodoro pinoporma sa DND

Senior undersecretary lang daw ang puwesto ni Carlito Galvez sa Department of National Defense kaya umugong ang espekulasyon na si Gilbert Teodoro ang uupong kalihim ng ahensiya kapag natapos na ang one-year ban sa mga natalo noong nakaraang halalan.
Krisis sa itlog puputok

Babala ni Senador Risa Hontiveros, dapat gumawa ng hakbang ang Department of Agriculture upang hindi lumala ang krisis sa supply ng itlog sa bansa.
Bantag diniin sa torture ng 6 jail guard

Kinasuhan ng anim na jail guard mula sa Palawan ang suspendidong BuCor chief na si Gerald Bantag dahil sa pambubugbog at pagtortyur umano sa kanila.
Barkong may Chinese crew ginalugad Manila Bay

Inalarma ng Department of Transportation ang Maritime Industry Authority na imbestigahan ang isang barko na may sakay na mga Chinese crew na umaaligid sa Manila Bay.