WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Senglot na senior, tepok sa sunog

Todas ang isang 70-anyos na babae nang makulong ito sa nasusunog niyang bahay habang nasa impluwensya umano ng alak sa Kabankalan, Negros Occidental nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Maulin Amblosa ng Barangay Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)- Kabankalan, posibleng nakatulugan ng biktima ang nakasinding gasera nang umuwi umano itong lasing.

Natagpuan ang sunog nitong bangkay malapit sa pinto ng bahay.

Hindi naman kumalat sa iba pang bahay ang apoy.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on