Sino raw itong dating Cabinet secretary ang palihim na gumagapang para masungkit ng multi-national company ang kontrata sa Bureau of Customs (BOC).
Tsika ng isang Marites, nakaladkad daw ang pangalan ng dating cabinet secretary sa isinagawang imbestigasyon sa kurakutan sa ahensiya.
Tameme raw ang mga inimbestigahang opisyal at hindi man lang maibuka ang bibig, mistulang natapalan ng tape at hindi makapagsalita sa naging partisipasyon ng dating Cabinet secretary.
Wala na nga sa puwesto ang dating Cabinet secretary pero parang takot pa rin magsalita itong mga inimbestigahang opisyal ng gobyerno.
Naka-jackpot na raw dati ang opis¬yal nang maikasa ang multi-bilyong pisong kontrata noong naninilbihan pa ito sa gobyerno.
Pero ngayong nagpahinga na ito sa serbisyo sa gobyerno, mukhang hindi pa ito kuntento sa laman ng kanyang bulsa.
Clue: Ang dating Cabinet secretary ay isa sa pinakamayaman opisyal ng gobyerno at hindi na siya gumagamit ng CD o VCD.