WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante KARTADA

Palace exec minanyak 2 staff, nireklamo

kartada

Sino raw itong opisyal sa Malacañang ang nireklamo ng sexual harassment ng dalawa niyang staff?

Tsika ng isang Marites kay Mang Teban, nakasampa raw ang reklamo ngayon sa Office of the Executive Secretary (OES).

Itong salarin, kilalang malikot mag-isip kaya maraming naisusulat noong nasa pribadong sektor pa.

‘Yon nga lang, nagkaroon ng sungay si kolokoy nang mabigyan ng mataas na posisyon sa Palasyo.

Bukod doon, naging assuming din siya na porket mataas siyang opisyal ay luluhod ang mga tala este mga tsika babes sa kanya.

Unang tinarget nito ang byuting staff pero pumalag as in bokya ang opisyal kaya luhaan ito sa unang hirit.

Pero ‘never say die’ ang mentalidad ng kumag at tinarget naman ang isa pang magandang staff.

Akala siguro niya ay uubra ang mga boladas at pahimas-himas sa tsiks pero tulad ng una ay umalma rin ang pangalawa.

Feeling siguro ni kolokoy ay siya si ‘Xerex’ na titilian ng kababaihan o kaya ay kalibre ng isang ‘Papa P’ na makalaglag panty.

Pero nagkamali siya at ang masaklap, posibleng mag-alsa-balutan siya sa puwesto kapag umusad sa korte ang isinampang reklamo sa pangmamanyak niya sa dalawang babaeng staff.

Clue. May kademonyohan ang kanyang apelyido kapag pinagdikit mo ito.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on