WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Prenup pictorial yarn? KD, Alexa tinodo lambingan sa damuhan

Matamis na harana ang handog ni KD Estrada kay Alexa Ilacad sa romantic music video ng kanyang bagong single na “Days”.

Simple ngunit nakakakilig ang music video kung saan makikita ang pag-awit ni KD sa harap ni Alexa at ilang public display of affection nila habang nakahiga sa damuhan.

Sa isang eksena makikita na halos maghalikan na ang dalawa na nauwi sa forehead kiss.

Halos mamatay naman sa kilig ang fans ng KDLex kaya nag-trending agad ang music video ni KD sa social media.

“Another masterpiece from Mr. KD Estrada! Pang classic love song ang peg, pwedeng pwede pang wedding song,” ani ni @DaineLex_25.

“KD di naman ako na inform na prenup niyo pala ‘to. Congrats! Ang ganda at ang galing niyong dalawa napaka natural nung kilig,” sey ni @kmrptweets.

Unang inilabas ni KD ang kanyang self-composed na awitin noong Nobyembre ng nakaraang taon sa ilalim ng Star Pop at dahil sa mainit na suporta ng fans, umani ito ng mahigit 100,000 streams sa Spotify.

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng KDLex ngayong taon dahil bibida rin sila sa musical na “Walang Aray” na ipoprodyus ng Star Magic at Philippine Educational Theater Association (PETA) ngayong Pebrero. (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on