WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Grabe landian sa video: KD muntik sagpangin mga labi ni Alexa

Nasa second week pa lang tayo ng 2023, gusto na agad hilahin ng KDLex (KD Estrada, Alexa Ilacad) ang mga fan sa Valentine’s at iparamdam sa kanila ang romansa ng season na ito.

Nasa ere ng music social media platform ang bagong single ni KD na “Days” kung saan tampok si Alexa.

Naglalaman ang music video ng husay ni KD sa pagtugtog ng gitara, at siyempre ng magandang singing voice niya. Pero, ang mas nakaka-excite talaga ay ang lambingan ng KDLex na akmang-akma sa panahon ng mga puso.

Kaya nga ang imbitasyon ng StarPop PH sa Twitter, “Early Valentine’s gift for everyone” dahil sa punung-puno ng tamis ang mga eksena ng dalawa.

May shot pa ngang halos maghalikan na ang dalawa sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha.

Nagbanggaan na nga ang kanilang mga ilong at makikitang palaban na si Alexa anumang sandali na sagpangin siya sa labi ni KD.

Dahil nilalanggam sa tamis ang dalawa, sa tweet ni KD sa kanyang music video, may mga netizen ang nag-akalang pre-nuptial shoot na ng magka-love team.

Sabi ni @kmrptweets, “KD ‘di naman ako na-inform na pre-nup niyo pala to. Hahaha. Char lang. Congrats ang ganda at ang galing nyong dalawa napakanatural ung kilig!”

Halos himatayin ang mga fan at nangakong susuportahan forever ang KDLex.

Anyway, isang araw pa lang naipalalabas sa YouTube ang music video ng “Days” ay humakot na ito ng libo-libong pansin sa mga fan, netizen.

Rosanna ‘di na kaya ang sakit, sasabak sa operasyon

Prevention is better than cure, ‘yan ang laman ng post ni Rosanna Roces sa Instagram, isang araw bago siya sumalang sa medical invasive operation.

Pinakita ni Osang ang larawan niya sa IG na nasa hospital bed.

Binabalita ni Osang ang operasyon niya para tanggalin ang mga gallstone at myoma sa kanyang katawan.

Inagapan na ng doktor ni Osang ang kanyang mga karamdaman para hindi na ito maging pabigat sa kanyang kalusugan.

Anya pa sa caption, “Yayyyy….need na operahan tom…maagap si dok. Mas mabuti na din at ‘di ko na kaya ang sakit. #Gallstones #myoma.”

Nagparamdam naman ng kanilang malasakit at moral uplifting messages ang mga kaibigan nito sa showbiz lalo na ang mga nakasama niya sa nagwakas na seryeng “Ang Probinsyano”.

Isang resibo na nagpapatunay na well-loved ang veteran actress sa industry.

Makikitang nakangiti si Osang sa larawan, isang indikasyon sa mas malusog at “no pain, no worry” 2023 sa kanya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on