Abante Front Page | Balita ngayong January 12, 2023

P3B ‘pork’ siningit ng aktor sa 2023 budget: Bagong star ng Kongreso – Lacson

Isiniwalat ni dating Senador Panfilo Lacson na isang showbiz star na naging politiko ang nagsingit ng P3 bilyong pork barrel fund sa 2023 national budget.
VP Sara: Mga bata puwersahin pumasok sa iskul

Nakiusap si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga magulang na puwersahin ang kanilang mga anak na pumasok sa eskuwelahan.
Martires ‘di tatantanan mga sabit sa asukal scam

Kahit inabsuwelto na ng Malacañang ang apat na dating opisyal ng gobyerno sa asukal scam, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na tuloy pa rin ang imbestigasyon ng kanilang tanggapan sa nasabing isyu.
Ombudsman sisilipin sabwatan ng DA, coop sa sibuyas deal
Sinulatan na ng Ombudsman si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban upang magpaliwanag sa biniling P140 milyong halaga ng sibuyas sa isang kooperatiba upang malaman kung may naganap na sabwatan sa isang kooperatiba.
Dagdag-sahod sa gobyerno ilalabas na

Madaragdagan ang take home pay ng mga kawani ng gobyerno epektibo ngayong Enero dahil sa implementasyon ng last tranche ng Salary Standardization Law. Ito ang inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) kasabay ng dalawang budget circulars na pinirmahan ni Secretary Amenah Pangandaman para sa implementasyon ng huling tranche ng SSL para sa civilian personnel at kawani ng local government units. Unang ipinatupad ang […]
Pautang sa sektor ng turismo matamlay

Isiniwalat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na higit 8 porsyento lamang ng P4 bilyong nilaan para sa mga micro, small and medium enterprises (MSME) ang nagamit sa pagpapautang sa sektor ng turismo.
‘Pinas nalagpasan critical level ng COVID-19

Nalusutan na ng Pilipinas ang critical level sa positivity rate ng COVID-19, ayon sa grupong OCTA Research.
Galvez sa mga DND exec: Walang iwanan!

Sasaluhin ng bagong kalihim ng Department of National Defense (DND) na si Carlito Galvez Jr., ang mga opisyal na naghain ng courtesy resignation kasunod ng pagbibitiw ni DND Officer-in-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino.
Marcos buwis-buhay sa Ozamiz visit

Tatlong beses na nabigo ang eroplanong sinakyan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bago tuluyang makalapag sa paliparan ng Ozamiz City upang bisitahin at ayudahan ang mga binahang residente ng Misamis Occidental.