WebClick Tracer

‘Tagal na niyang buntis!’: Jeric Raval nagsalita na sa ‘panganganak’ ni AJ

Hindi nakilala ng mga reporter si AJ Raval nang dumating ito sa press preview ng pelikulang ‘Pinoy Ghost Tales’ na prodyus ng LGM Grand Entertainment at LMK Productions.

Bida nga sina Jeric Raval at AJ sa isang episode ng horror movie na ito, ang ‘The Actress’ na kung saan ay direktor ang role ni Jeric, at siyempre, aktres si AJ.

Ginawa ang pelikula bago pa ang pandemic, at hindi pa naghuhubad sa mga pelikula ng Vivamax si AJ. Kaya kung bet niyong makita ang itsura ni AJ noon bago siya naging reyna ng Vivamax, abangan niyo ang horror movie na ito, na dinirek ni Jojo Nadela, at sinula ni Lawrence Nidodemus.

Anyway, hindi nga nakilala si AJ ng mga reporter, dahil dumaan lang siya, naka-cap at siyempre, naka-face mask at shades. Hinatid lang niya si Jeric sa venue, dahil may iba raw lakad ang aktres, na natanguan na nito noon pa.

Sa nasabing presscon, medyo ilang ang mga manunulat na usisain si Jeric tungkol sa walang kamatayang chismis na nabuntis, nanganak si AJ, at si Aljur Abrenica nga ang ama.

May mga naglalabasang chika pa na kesyo sa Pasig City raw nanganak si AJ, at pinagtsitsismisan nga raw ito ng mga nurse o hospital staff, ha!

Pero sa chika ni Jeric tungkol sa mga intriga kay AJ, heto nga ang sagot niya.

“Alin bang mga isyu? Mga isyu na noon pa? Actually ang tagal na niyang mga isyu na `yan.

“Nagtataka na nga ako, bakit hanggang ngayon hindi pa rin nanganganak. Ang tagal na niyang buntis. Ilang buwan na, di ba? Overdue na, ha!

“Wala, eh. Sa akin kasi, kapag artista ka, pinag-uusapan ka, okey lang `yan. Masanay na sa ganiyan. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga. Okey lang `yon.

“At hindi na kami naapektuhan. Sanay na kami sa mga ganun.

“Pero `yun nga, sana na-interview niyo siya kanina. Hinatid niya ako rito.

“Si AJ, ayaw na lang niyang magsalita! Paulit-ulit na lang!” sabi ni Jeric.

TELETABLOID

Follow Abante News on