WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Tsuper rumaket na pusher ng ‘tobats’ tiklo

Kalaboso ang isang 27-anyos na tsuper na kabilang sa hanay ng mga high-value individual sa ilegal na droga nang makalawit ito sa buy-bust operation at makumpiskahan ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Tacloban City, Leyte.

Kinilala ang suspek na si Reymond Malinao, residente ng Barangay 106, GMA Kapuso Village sa Tacloban City
Sa ulat, isa sa mga operatiba ang nagkunwaring buyer ng droga at nakaiskor dito ng P500 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa nitong Martes ng gabi.

Hinudyat ang pagdakip dito matapos silang mag-abutan ng pera at droga ng poseur buyer. Nagresulta ito sa pagkakasamsam mula sa suspek ng 11 pang plastic sachet ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P520,000.

Nahaharap si Malinao sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on