WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Saudi prince lusot sa murder ng reporter

Ibinasura ng isang korte sa Amerika ang kasong murder laban sa crown prince ng Saudi Arabia na si Mohammed bin Salman kaugnay sa umano’y papel nito sa pagpaslang sa journalist na si Jamal Khashoggi noong 2018.

Ayon kay Washington federal judge John Bates, ito ay dahil may tinatamasang immunity ang prinsipe sa mga korte sa Amerika nang italaga ito bilang prime minister ng Saudi noong Setyembre.

Si Kashoggi, na lantad na kritiko ng prinsipe, ay journalist at aktibistang nakabase sa Amerika. Nagtungo siya sa Turkey para kumuha ng mga dokumento sa kanilang kasal ng kanyang fiancee sa konsulada ng Saudi sa Istanbul.

Pagpasok sa konsulada, dinakip ito at pinatay umano ng isang grupo at saka itinapon ang bangkay. Walong katao ang pinatawan ng korte ng Saudi noong 2020 mula sa pito hanggang 20 taong pagkakakulong.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on