May isa pang kaso ng Omicron subvariant BQ1 ang na-detect sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) umaabot na sa 17 ang na-detect na kaso ng BQ.1 sa Pilipinas.
Ang panibagong kaso ng BQ.1 ay nakita sa Western Visayas base sa pinakahuling COVID-19 bio-surveillance report.
Nabatid na ang BQ.1, sublineage ng omicron BA.5 ay ikinukunsidera a variant of interest ng European Center for Disease Control.
Pinaniniwalaan na ang BQ.1 ay mas mabagsik at immune-evasive.
Kaugnay nito ay may na detect na 115 bagong kaso ng omicron subvariants, kabilang na ang kaso ng BQ.1. (Juliet de Loza-Cudia)