Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng pagkalat ng Avian influenza o bird flu sa mga tao.
Ayon sa DOH, ang bird flu ay isang ‘zoonotic disease’ na maaaring tumama sa tao.
Inilabas ng kagawaran ang babala kasunod ng nakumpirmang kaso ng bird flu sa Barangay Cagay, Roxas City sa lalawigan ng Capiz.
Maaari umano itong maipasa sa tao ‘pag nalanghap o nahawakan ang ‘infected discharge’ o dumi ng may sakit na manok at kauri nito. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, sore eyes, ubo, pamamalat, hirap sa paghinga, pananakit ng kalamnan, panghihina at diarrhea.
Upang maiwasang tamaan ng Avian influenza, ipinapayo ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng buhay at patay na manok.