Inaayos na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga balakid na kinakaharap ng mga negosyante para sa maayos na pagnenegosyo sa bansa.
Sinabi ng pangulo na nakausap na nito ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) para tugunan ang problema sa red tape, digitalization at mataas na presyo sa enerhiya.
Kumikilos na aniya ang nabanggit na ahensya upang mas maayos na maipatupad ang mas pinahusay at pinaluwag na pagnenegosyo sa bansa lalo na ang usapin sa digitalization.
“I just came from ARTA and they are working very, very hard to make the ease of doing business in the Philippines a much better situation. We have improved but we have ways to go for that,” anang pangulo.
Isa sa tinukoy ng presidente na dapat tutukan ay ang usapin sa enerhiya dahil sa pabago-bagong galaw nito sa merkado bunsod ng panlabas na mga kadahilanan na matindi ang epekto sa bansa. (Aileen Taliping)