WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante KARTADA

Opisina ni Senador ginawang tambayan ng mga Marites

Nagmistulang Tondo raw ang opisina ng isang senador sa Senado dahil naging tambayan ito ng mga walang magawa sa buhay kundi makipagtsismisan.

Para ka raw napadpad sa pundahan sa kanto, o ‘yong sari-sari store na pinag-uumpukan ng mga tambay kapag nakapasok ka sa opis ng senador.

Ang promotor nito, hindi ang senador, kundi ang kinontratang PR man ng mambabatas.

Sangkatutak daw kasi ang staff ng PR nitong senador, aba’y pati kasi ang girlalu nito ay binitbit sa Senado.

In fairness, mas kilala ng mga reporter itong si girlalu kaysa sa PR ng senador. Ang classic nito, hindi naman kagandahan si girlalu dahil may pagka-butanding ito pero magaling bumoka kaya maraming nabobola, maliban sa kanyang hero sa buhay.

Sa dami ng staff ng PR man, kapos ang 8 characters sa street fighter o mortal kombat dahil halos tatlong dosenang biik este staff ang nasa kural nito.

Dahil sa bloated na staff, marami ang walang ginagawa kundi nagtetelebabad lamang, aba’y wala man lang pambili ng unli load ang mga lintek!

Clue. Ang PR man at kanyang girlalu ay dating naging kliyente rin ang isang lelembot-lembot na senador. Kliyente nila ngayon ang senador na lover ng atay

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on