WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Mall sa Iloilo pinasok: P5M alahas, cellphone nilimas

Nilimas ng hindi pa nakikilang mga suspek ang tatlong tindahan sa isang mall at tangayin ang higit na P5 milyong halaga ng mga alahas at cellphone sa bayan ng Balasan sa Iloilo nitong Martes.

Sa ulat, natuklasan ang panloloob sa tatlong shop sa Gaisano Mall sa Barangay Mamhut nang buksan ng mga empleyado ang establisimyento bandang alas-otso ng umaga.

Ayon kay Balasan police station chief Police Lieutenant Alexander Lauron, bukod sa higit P5 milyong ninakaw na mga alahas, abot sa P292,000 halaga ng cellphone ang tinangay ng mga suspek sa isang tindahan at P67,000 pa sa katabi nitong puwesto.

Lumitaw sa imbestigasyon na sinira ng mga suspek ang mga cyclone wire sa likod ng mall at saka winasak ang kandado sa pintong bakal para makapasok sa establisimyento.

Samantala, iimbitahan ng pulisya ang tatlong security guard na naka-duty sa mall noong oras na mangyari ang nakawan. Inaalam na rin ng mga imbestigador kung may mga CCTV camera sa establisimyento para makatulong sa kanilang pagsisiyasat. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on