WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Lotilla, Solidum lusot sa CA

Pasado na sa Commission on Appointments (CA) committee ang ad interim appointment nina Energy Sec. Raphael Lotilla at Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum Jr.

Matatandaang dalawang beses na sinuspinde ang deliberasyon ng appointment ni Lotilla dahil sa kakulangan ng oras.

Bago ang maaprubahan, sinabi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, namuno sa pagdinig, na hiniling ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta na ituloy ang deliberasyon sa susunod na taon.

Subalit kinausap nina Legarda at Senate President Juan Miguel Zubiri si Marcoleta at iba pang kasapi ng Kamara para ituloy na ang kumpirmasyon ni Lotilla.

Samantala, hindi naman dumaan sa butas ng karayom ang deliberasyon ng appointment ni Solidum at agad na inaprubahan ng komite. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on