WebClick Tracer

Saturday, January 28, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Fetus itinapon sa harap ng iskul

Inilagay sa kahon ng sapatos at isinilid sa ‘eco bag’ ang isang pitong buwan na fetus bago ito iniwan sa harap ng eskuwelahan nitong Martes sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-homicide section, dumaraan sa tapat ng St. Francis School sa Panaderos St., Sta. Ana, Maynila si Maria Corazon Campos nang mapansin niya ang kahon bandang alas-8:40 ng umaga.
Kinuha ito ni Campos at nagkainteres na buksan dahil mabigat.

Nagulat ito nang pagbukas niya ay bumulaga ang fetus na lalaki na may nakakabit pang inunan habang nakabalot sa tuwalya.

Kaagad na itinawag sa MPD-Police Station 6 ang nakitang fetus at dinala sa Cruz Funeral. (Juliet de Loza-Cudia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on