WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Ex-Basilan exec todas, dyowa kritikal sa ambus

Patay ang dating opisyal ng isang bayan sa Basilan habang kritikal naman ang mister nito matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na riding-in-tandem nitong Martes ng hatinggabi sa Isabela City ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Police Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, nasawi sa insidente si Melissa Alih, 30, dating assistant municipal secretary ng bayan ng Hadji Muhtamad, Basilan, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang asawa nitong si Jack, 30-anyos.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng hatinggabi nitong Martes habang pauwi na ang mag-asawa sa Barangay Tabuk sa Isabela City sakay ng kanilang motorsiklo.

Pagsapit sa kahabaan ng Barangay Dona Ramona T. Alano, sumabay sa kanila ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek. Bumunot umano ng baril ang backrider at pinagbabaril ang mga biktima nang malapitan.

Matapos ang krimen, mabiis na tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima kung saan namatay ang babae habang kritikal ang asawa nito dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Apat na basyo ng bala mula sa kalibre .45 ang nakuha ng pulisya sa lugar ng insidente. Iniimbestigahan na ang motibo para matukoy ang mga suspek sa pamamaril. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on