WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Emil Malaborbor waging Ultimate Bida-O-Kid Star

Hindi dapat palampasin ang pagtatapos ng Kantastic Finale ng Sing Galing sa TV5 ngayong linggo.

Matapos ang pang-intergalactic na pa-SING-laban ng mga Kantasti-Kids sa Sing Galing Kids: The Kantastic Kiddie Finale noong Sabado, December 3, tinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida-O-Kid Star ang Magnetic Kid ng Lucban, Quezon na si Emil Malaborbor.

Tuloy pa rin ang pa-SING-laban dahil kumpleto pa ang Team Galing na maglalabanan sa Team Galing Showdown ng Sing Galing! Matutunghayan ang matinding pang-SING GALING-ang performance nina Janette Larnie Mamino, Kate Gabriel, Carmela Lorzano, Rachelle Cardenas, Sean Felix, at Joy Escalante. Sino kaya sa kanila ang aabot sa dulo para sa Sing Galing The Kantastic Finale?

Abangan ang mainit na pa-SING-laban na Sing Galing: The Kantastic Finale na gaganapin sa EVM Convention Center at mapapanood LIVE na LIVE sa TV5 ngayong Sabado, December 10, 6PM.

Maaaring mapanood ang full episodes ng programang ito sa Cignal Play – i-download lang ang app for FREE at mag-register para makapanood dito. (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on