WebClick Tracer

Wednesday, March 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

DTI palipas holiday lang! Gatas, noodles, de-lata sisipa pa presyo

Nakaamba na ang posibleng pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa unang quarter ng 2023 gaya ng sardinas, noodles, gatas at iba pa.

Kinumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na tinatayang nasa 50-70 na mga produkto ang magtataas ng presyo pagsampa ng 2023 dahil na rin sa matagal na kahilingan ng manufacturer.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Castelo na noong Hunyo at Hulyo pa nangungulit ang mga manufacturer na magtaas sa presyo ng kanilang mga produkto at masusing pinag-aaralan ito ng DTI.

Hindi aniya inilabas ng DTI ngayong holiday season ang pagtaas ng mga produkto dahil ayaw nilang madagdagan ang gastos ng mamamayan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“So siguro early next year na, in the first quarter of next year, saka na natin ilalabas dahil siyempre ang consumer¬s are reeling iyan from the expenses ng Christmas so ayaw naman din natin silang magulat. I want to inform everyone na iyong pinapayagan po natin na increase sa SRP Bulletin is only 30% of the total number of SKUs that we have. So kung mayroon tayong 218 products doon sa bulletin, ang tataas lang po diyan 30% – siguro mga nasa between 50 and 70 items,” ani Castelo.

Binigyang-diin ng opisyal na 30% lamang mga produkto ang tataas at mas marami pa rin ang hindi gagalaw ang presyo kaya may pagpipilian ang consumers.

Sinabi ni Castelo na bukod sa mga nabanggit na produkto, mayroon ding mga manufacturer na humihirit din na magtaas ng kanilang produkto gaya ng kandila at non-essential items kaya masusing pinag-aaralan ito ng DTI bago magdesisyon kung papayagan o hindi na magtaas ng kanilang presyo.

“Iyong canned sardines and then instant noodles; ang bread matagal na rin po sa atin nakikiusap na payagan na, hindi pa po natin naa-allow at this time. And then kasama na po ang gatas; sa prime commodities naman ay kasama po ang condiments at iyong canned meat – whether it’s pork or beef, basta nasa lata po siya – marami rin tayong requests; pati po ang kandila; pati nga iyong mga non-essential items na nasa price list natin sa SRP Bulletin ay nagre-request na rin po,” dagdag ni Castelo.

Pero tiniyak ng opisyal na hangga’t makakaya ay sinisikap ng gobyerno na maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin at hindi papayagang basta magtaas ng presyo ang mga manufacturer hangga’t hindi nailabas sa publiko ang bagong suggested retail price (SRP) bulletin. (Aileen Taliping)

Nakaamba na ang posibleng pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa unang quarter ng 2023 gaya ng sardinas, noodles, gatas at iba pa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on