WebClick Tracer

Saturday, February 4, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Inflation sumipa sa 8%, pinakamataas mula 2008

Sumirit pa sa 8% ang inflation rate sa bansa nitong Nobyembre na pinakamataas na naitala mula noong Nobyembre 2008, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Sa datos nitong Oktubre, 7.7% ang inflation at 5.6% ang average na inflation mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Sa paliwanag ni PSA Deputy National Statistician Divina Gracia Del Prado, ang pagsipa ng inflation rate ay sanhi ng patuloy na pagmahal ng presyo ng mga pagkain tulad ng gulay, bigas at asukal. Aniya, 10% ang inflation ng food and non-alcoholic beverages at 58% ang ambag nito sa pagsirit ng inflation noong Nobyembre.

Dumagdag din sa pag-akyat ng inflation ang mga restawran at mga hotel na nagtala ng inflation na 6.5% at halos 20% ang ambag nito sa pagsirit.

Malaki umano ang probabilidad na lalo pang tataas ang inflation rates sa Disyembre.

Para naman mangyari ang inflation forecast ng economic managers ngayong taon na 5.8%, kailangang maging 8.5% ang inflation sa Disyembre. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on