WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

2023 PBBM budget namumuro sa P6 trilyon

Aminado si Finance Committee Chairman Senador Sonny Angara na kung magagamit sa susunod na taon ang mga unprogrammed funds sa ilalim ng 2023 budget, posibleng pumalo sa halos P6 trilyon ang pambansang pondo.

Sa ngayon ay hindi kasama sa P5.268 trillion 2023 General Appropriations Bill (GAB) ang unprogrammed funds.

Ang mga proyekto na nasa ilalim ng unprogrammed funds ay wala pang pondo o hindi pa batid kung saan huhugutin.

Sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, napuna nito ang dagdag na P219 bilyong alokasyon sa unprogrammed funds.

Punto ni Pimentel, kung pagsasamahin ang ‘new programmed at unprogrammed funds’ sa 2023 budget, aabot na ito sa P5.8 trillion at kung isasama pa ang panibagong naidagdag na P219 bilyon sa unprogrammed funds ay aabot sa P6 trilyon ang pondo sa susunod na taon.

Tugon ni Angara, posible ito pero hindi pa masasabi dahil kailangan pang hintayin ang budget utilization sa susunod na taon.

Binigyang-diin ni Pimentel na hindi malabong ito ang kauna-unahang pondo ng pamahalaan na aabot sa P6 trilyon dahil ngayong 2022 ay 80% na ng unprogrammed funds ang na-release at nagamit.

Punto pa ni Pimentel, wala aniyang pinagkaiba ang programmed at unprogrammed funds kung parehong magagamit sa bandang huli. (Jojo Sicat)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on