WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Lumayas sa bahay, natagpuang bangkay: Erpat binoga na, 8 beses pang sinaksak

Duguang bangkay na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang isang lalaking sinasabing umalis sa kanilang tirahan ngunit bumulagang tadtad na ng saksak at may tama pa ng baril noong Biyernes sa gilid ng kalsada sa Numancia, Aklan.

Nabatid sa Numancia-PNP na ang biktimang si Jack ‘Toto’ Mererague, 41, tubong Miag-ao, Iloilo City ay personal na kinilala ng kanyang pamilya.

Sa paglalahad ng kanyang ina, umalis sa kanilang bahay si Toto taong 2019 at mula noon ay hindi na nagpakita pa.

Napag-alamang nagtatrabaho bilang OFW sa Hongkong ang kanyang misis at may kambal silang anak.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang voter’s identification card at narekober sa bangkay

ang sling bag na naglalaman, susi ng motor at P6,000.00.

Natagpuan itong nakabalot ng bedsheet sa may kanal na sakop ng Brgy. Albasan, Numancia, Aklan.

Sa isinagawang post mortem sa bangkay ng biktima nagtamo ito ng walong saksak sa katawan gamit ang ice pick bukod pa rito ang tinamong bala mula sa 9mm na baril.

Sa pagsisiyasat ay tumugma rin ang susi ng biktima sa motorsiklong natagpuan sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan kamakalawa.

Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung ano ang motibo at kung sino ang mga salarin. (Kiko Cueto)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on