WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

9 sa nabutas na motorbanca nasagip

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang siyam na sakay ng isang motorbanca na nabutas sa bahagi ng karagatan ng Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga mangingisda na nailigtas na sina Henry Burong, 35, Deigo Burong, 35, Surafi Anapi, 43, Benjar Luntian, 42, Isa Musa, 42, Aldamer Alih, 30, Boy Saguile, 27, Bader Barahim, 43, at Magno Dalawis, 52.

Lahat sila ay pawang mula sa Zamboanga City.

Lumalabas sa imbestigasyon na papunta sila sa Dipolog City mula sa Hasiman Tanjung, Jolo, Sulu nang magloko ang motorbanca dahil sa sama ng panahon at maalong karagatan.

Tumama ito sa isang matigas na bagay kayat pinasok ito ng tubig.

Halos kalahati na ang lubog ng motorbanca sa bahagi ng Liloy, Zamboanga Del Norte.

Agad namang nailigtas ang mga ito sa tulong ng MV Empress Amy na nagsagawa ng search and rescue operation.

Matapos ang walong oras, nadala ang mga ito sa shoreline at nailigtas. (Catherine Reyes)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on