WebClick Tracer

Sunday, February 5, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

EX-MMA fighter timbog sa P3.4M shabu

Arestado ang isang dating mixed martial arts (MMA) fighter matapos itong makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Cebu City kahapon nang madaling-araw.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dinakip ang suspek na si Slotty Avila, 34-anyos, sa bisa ng arrest warrant sa bahay ng kanyang kinakasama sa Sunset Drive, Brgy. Lahug, Cebu City bandang alas-5:00 nang madaling-araw.

Nakumpiska kay Avila ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 25 pakete, tatlong digital na timbangan, sari-saring lalagyang plastic ng mga online shopping company at courier services, mga resibo ng money transfer at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni PDEA Director Levi Ortiz na itinuturing na high-value individual sa operasyon ng ilegal na droga si Avila at gumagamit ito ng mga pakete ng online shopping firm at courier services para itago ang shabu.

Pulos online transaction aniya ang ginagawa ni Avila at ilan dito iniiwan niya sa isang lugar para i-pickup ng kanyang mga buyer o personal nitong dini-deliver sa kanyang mga customer sa Cebu City.

Samantala, tinangka rin umanong manlaban ng suspek nang aarestuhin na ito ng mga pulis.

Kakasuhan si Avila ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on