WebClick Tracer

Saturday, February 4, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

MPBL Finals Game 1: Michael Juico, Nueva Ecija kakalampagin Zamboanga

Laro Biyernes: (Nueva Ecija Coliseum)
Game 1/ Best-of-5 Championship
6:30pm — Nueva Ecija vs Zamboanga

MAGTATAGISAN ng galing ng kani-kanilang mga star player ang Nueva Ecija Rice Vanguards at ang Zamboanga Family’s Brand Sardines sa pagsisimula ng National Finals ng OKBet-MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) 4th Season, Biyernes, sa Palayan City.

Mangunguna sa Nueva Ecija ang kanilang shooter na si Michael Juico, katuwang sina JR Taganas at Will McAloney na pakay samantalahin ang homecourt advantage sa kanilang 6:30pm showdown sa Nueva Ecija Coliseum.

Nakatikim ng pagkatalo ang Rice Vanguards ngunit isang beses sa 27 laro patungo sa korona ng North Division kung saan pinataob ang San Juan Knights.

Ayon kay coach Jerson Cabiltes, “blessing in disguise” ang nag-iisang pagkatalo ng Nueva Ecija sa San Juan sa pagbubukas ng kanilang North title series dahil inalis nito ang pressure para walisin nila ang torneo.

Hindi rin magpapatinag ang Zamboanga na sasandal kina MPBL All-Star MVP Jaycee Marcelino, ang kambal niyang si Jayvee, Jhapz Bautista, Jhaymo Eguilos, Chris Dumapig, Addy Santos at Chito Jayme. (Annie Abad)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on