WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Mamimigay ng milyon, kotse, motor: Bong Revilla kinilig sa YT silver play button

Ang bongga naman ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., dahil hayun nga at natanggap na niya ang YouTube silver play button.

Naantala raw ang pagkilala mula sa YouTube dahil halos dalawang taon na mula noong maka-100K subscriber siya.

Sa ngayon nga ay  264,000 na ang subscriber niya at patuloy pang dumarami.

“Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung silver play  button.

“Taos-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscriber,” kinikilig na sabi ni Bong.

Dahil dito, tiniyak ni Revilla na mas marami pang sorpresa ang kaniyang ihahanda para sa kaniyang channel sa mga darating na araw. Sa mga gustong mag-subscribe, ang link ay https://www.youtube.com/@BongRevillajrph.

“Sa mga hindi pa naka- subscribe, click na at makisaya!

“Join na sa ating Road to 1 Million subscribers para sa YouTube gold play button!” pahayag pa ng tsinitong Senador.

“Gusto ba ninyong maging Instant Milyonaryo?” tanong ni Bong.

Abangan ang “Amazing Pamasko ni Pogi” sa Dec. 17, 18, 4pm.

Kasi nga, bukod sa P1M, 2 kotseng Suzuki S-Presso, 5 motorsiklo ang ipamimigay niya. 1000 kalahok ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes.

Mag-submit ng entry sa

𝐀𝐌𝐀𝐙𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐒𝐊𝐎 𝐧𝐢 𝐏𝐎𝐆𝐈 hanggang 11:59 ng gabi, sa Dec. 11.

Para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, siguruhing naka-follow at subscribe sa official Facebook page, YouTube channel, Instagram, at TikTok account.

“Malay niyo – ito na ang pagkakataon para maging milyonaryo,” sabi pa ni Bong. (Don Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on