WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

15-anyos Irus Chua Finals MVP sa MILCU

NAGWAGI muli ang Elite Philippines sa MILCU Gotskills 17-under kung saan naging Finals MVP si Irus Chua na nagtala ng 40 puntos.

Bihira mangyari na ang isang 15-anuos na player ay magkamit ng award na ganito sa mas matandang division kaya marami na ang nag-aalok sa kanya na lumipat na at maglaro sa UAAP at NCAA.

Ang batang ito ay kasalukuyang naglalaro bilang varsity sa Brent School International. Isa ang batang ito na nakikita ko na malayo ang mararating at kung mapapanood ninyo wala ganitong shooter na tumitira ng malayo sa edad na ganito.

Kaya niya mag-point guard at mag-off guard na position kaya watch out tayo sa batang ito.

Nagtulungan sila ni Batang Gilas standout Basti Reyes kung san nagtala siya ng double-double, ganun din sina Joseph Ples, Aries Borja, atJustine Hugo na nag-control ng boards.

Ang nagtimon ay sina Andre Herrera ng San Beda University at Cian Jayril Golloso, habang slasher si Bobet Monteroza na parehong taga-AMA University. Ito na ang pang-32nd kampeonato ng Elite Philippines at pang-33rd sa MILCU 15-under sa taong 2022 sa iba’t ibang liga.

***

Sa pagbukas ng UAAP season sa seniors ay isa ang DLSU na sinasabi nating malakas ang lineup.

Pero ngayon ay napatunayan natin na halos lahat ay malakas pala at dapat pa sila dumaan sa butas ng karayom para makapasok sa Final 4 ng UAAP.

Mas lamang pa rin kasi ang La Salle dahil kumpleto sila sa lahat ng position kaya dito natin makikita ang galing sa pagko-coach ni Nash Racela para sa Adamson University.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on