Magsisimula ang pagpaparehistro ng mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre 12, 2022, ayon sa ulat ng Commission on Elections (Comelec).
Ang pagpaparehistro ay tatagal hanggang Enero 31, 2023.
Ang mga magpaparehistro ay maaaring pumunta sa tanggapan ng election officer o satellite registration sites sa kanilang mga lugar mula Lunes hanggang Sabado, kasama ang mga holiday, mula alas-8:00 nang umaga hanggang alas-5:00 nang hapon.
Ang BSKE ay dapat ganapin nitong Disyembre 2022 ngunit inilipat sa Oktubre 2023. (Mina Navarro)